Friday, February 5, 2010

Ascende Superius

ISANG PAGBABALIK-TANAW-Unang Taon...

Bawat araw na lumilipas sa loob nang seminaryo,naroroon parati ang katanungan sa aking puso "AKO ba'y Nararapat sa TAWAG na ito?". Ito ang nagsilbing panalangin ko sa tuwing mararamdaman ko ang panghihina nang aking paglilingkod sa Kanya. Lumipas ang maraming oras, maraming araw, unang taon nang aking pananatili sa Kanyang bahay-lubos akong nagpasalamat sa Kanya dahil nalampasan ko ang unang hamon Niya sa akin.


Halu-halong emosyon ang aking nadarama sa tuwing makikita ko ang aking mga kasama sa paglalakbay sa tawag na ito na lumalabas at napagtatantong hindi na sila nararapat sa Bokasyong ito.

Dumating ang araw na sumasabay na lang ako sa agos nang gawain sa loob nang seminaryo, pero doon ko rin naramdaman ang labis na pagmamahal sa akin nang Diyos nang mabuksan ako ang aking Bibliya at ipinakita niya sa akin ang kanyang mensahe "ASCENDE SUPERIUS". Dito nagsimula ang pangalawang taon na ang aking paglalakbay sa kanyang Pagtawag sa akin...Ito ang simula nang pag-akyat ko sa Kanyang piling, ang pag-ahon ko sa aking natutulog na sarili.

Dito ko ring natutunang maging malikhain at panatilihing nag-aapoy ang puso't isipan sa lahat nang kinakaharap ko sa loob. Palaging nakatanim sa aking sarili ang isang simple ngunit napakalalim at makahulugang aral na binigay sa amin nang aming KALAKBAY at KATOTO na si Fr.Chito Dimaranan, SBD. "DUC in ALTUM"...go into the deep

Ang pagtahak nang dahan sa tuktok nang kanyang Pag-ibig ay napakahirap kung sa ating puso ay hindi siya nananatili at nananahan.

"Tara mga kaibigan sa mas mataas na lugar" (Lk 14:10)

2 comments:

Unknown said...

thanks for mentioning me. but misspelled SDB. all the best!

Unknown said...

angel, the exact quote from don bosco is as follows:
"un pezzo di paradiso, aggiusta tutto." thanks for your write up about me as kalakbay at katoto.